Stop Digital Piracy. Idelete man o hindi, may mga nakascreenshots ng FB account, kayo na nagshare ng mga illegal links ng pelikula ng Star Cinema lalo ang Achy Breaky Heart, isa kayo sa mga kriminal. Oo, kriminal po kasi krimen ang magdownload at manuod ng pelikula mapalocal at foreign films, basta dinownload nyo ng walang bayad, piracy po yan, at ang piracy ay isang krimen, kaya kriminal kayo.
Sigaw pa ng change is coming tapos makikita lang na ikaw at kayo mismo supporting piracy, better act and practice what you preach.

Sa mga friends ko na mahilig manuod ONLINE, please lang, itigil nyo yan at baka ako mismo magsumbong ng account nyo, sa sinehan lang dapat.

NO TO PIRACY! Help us fight crime. Report pirated links and sites to report@abs-cbn.com.

Wag nyo patayin ang pinaghihirapan ng buong production team.

Ang paggawa ng isang pelikula ay halos isang taon ginugol ng production team maging ng artista sa shooting at dubbing plus promotions, nabasa ng pawis, naulanan, napuyat, napagod, hindi nakakauwi ng bahay, walang tulugan, kaya hindi biro, pero sadya talagang may mga walang hiya at makapal ang mukha at kakapit sa pirated link or streaming, makalibre lang, hoy, ang kapal ng mukha nyo. Wala kayong karapatan magcomment or magreact kung hindi nyo pinanuod ang isang pelikula sa sinehan. Stop piracy, stop ONLINE downloading or streaming. Maawa kayo sa mga taong naghirap at nagpuyat para lang mabigyan kayo ng movie or shows na pinanunuod nyo. Grrr… Sa nagshare at nagpost ng full link ng Achy Breaky Heart, makunsensya ka. At sa mga nanuod ng viral link, mahigpit pong pinagbabawal ang piracy, digital piracy ginagawa nyo, tapos sigaw nyo Change is coming, eh kayo ang anay sa lipunan. Pinapatay nyo ang gawang pinoy. 

#StopPiracy Digital piracy is a crime. ๐Ÿ‘Š๐Ÿ‘Š๐Ÿ‘Š

Advertisements